Gusto kong Sumama Maligo sa
ASIK ASIK Falls
Saan ba matatagpuan ang AsikAsik Falls?
Ito ay nasa Barangay Dado,Bayan ng Alamada, Hilaga ng Cotabato.
Saan ang Byaheng papuntang AsikAsik Falls?
Kung galing ka ng Luzon at Visayas, karamihan ay sa Davao City nag uumpisang magbyahe.
Maaring sumakay ng Weena Bus byaheng Cotabato mula sa Ecoland Terminal ng Davao City at magpatiket hangang bayan ng Midasayap. upang makasakay ng pangpublikong jeep diretso ng Brgy Dado, Alamada.
Ang byahe ay tatagal ng mga 6 na oras mula Davao City hangang Midsayap, Cotabato.
Madadaanan mo ang mga bayan ng Digos at Bansalan ng Davao del Sur; Makilala,Kidapawan, Matalam, Kabacan , Pikit at Aleosan Probinsya ng Cotabato. May ilang bayan din ng Maguindanao, ARRM ang madadaanan. Huwag mabahala, tiyak ang seguridad ng iyong paglalakbay.
Hindi mahirap ang byahe kung ikaw ay nag aalanganin sa dahilang first time mo. Ang daan ay kungkreto at malapad. Ikaw ay naglalakbay sa Gitnang Isla ng Mindanao kung saan makikita mo ang yamang bulubunduking tanawin ng Mt. Apo, malawak na taniman ng palay,mais, saging at goma.
Mula bayan ng Midsayap, may jeep na bumabyahe papasok ng Brgy Dado na mag mahigit isang oras. Pagdating ng poblacion ng Dado, ang lahat ng dumadayo sa Asik Asik Falls ay nagpapatala bilang Turista at sinisingil ng Environmental Fee. Ang mga panauhin ay kadalasang hinahatid ng single motorcycle o yung tinatawag na Haba-Habal hangang camp site.
Ang Asik-Asik falls ay iyong bababain ng may mahigit 550 na hakbang.
Magkano ang inaasahang magagastos sa pamasahe? Kung ikaw ay may dalawang libong piso, (P2,000.00) ito ay sapat na budget para sa transportation expenses mo.
Karagdagang Tanawin at Kaalaman : Makikita ang tinatawag nilang Kalbong Bukid, na pumapagitna sa Probinsya ng Cotabato at Lanao del Sur.
Para sa inyong mga katanungan makipagunayan po lamang sa FB page ni SISA.
